Social Media
Social Media
Ang Social Media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isang virtual na komunidad at mga network. Ito rin ay itinuturing na isang pangkat ng mga Internet-based na mga aplikasyon na bumubuo ng ideyolohikal at teknolohikal na pundasyon na nagbibigay-daan sa paglikha at pakikipagpalitan ng nilalaman na binuo ng gumagamit.
Bukod dito, ang social media ay may interactive platform na kung saan ang isang indibidwal at mga komunidad ay maaaring magbahagi, lumikha, tumalakay at baguhin ang nilalamang binuo ng gumagamit.
Kahalagahan ng Social Media
Ang pangunahing benepisyo ng social media ay ang kakayahan nito na magbigay ng pagkakataon sa gumagamit na makipag-ugnayan o makipag komunikasyons sa maraming tao malapit man o malayo sa iyo.Nangangahulugan ito na maaari kang mailantad sa isang mas malayo, mas malawak na hanay ng mga opinyon. Bilang karagdagan, magagawa mong ibahagi ang iyong opinyon sa mas maraming mga tao kahit saan mang bahagi ng mundo. Dito ay maaari mo ring limitahan ang mga tao na mayroong parehong opinyon at paniniwala sa iyo at limitahan ang mga taong gusto mong makatransaksyon.
Ang social media ay isang mainam na paraan na makatutulong sa iyo na makahanap ng mga customer. Maaari rin itong makatulong sa iyo na kumonekta sa iba pang mga negosyo at sa mga negosyante. Maaari kang gumawa ng isang profile para mas lumawak ang iyong koneksyon at magkaroon ka ng pagkakataon na makapag bukas ng maraming oportunidad para sa iyo at ito rin ay nagpapahintulot sa iyo na kumonekta sa mga negosyo at mga propesyonal doon. Mahalagang isaalang-alang na ang paggawa ng mga koneksyon ngayon ay magbibigay daan sa iyo na makinabang sa mga hindi inaasahang paraan, kaya tanggapin ang mga kahilingan mula sa mga kagalang-galang na mga propesyonal sa mga social media.
Epekto ng Social Media
Kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya ay ang dagliang pagbabago sa ugali ng mga kabataan. Ang social media ay nagbubukas ng malaking pintuan tungo sa pag-angat at pagbagsak ng mga users nito.
Sa pag-usbong ng internet, computer, cellphone at mga gadgets ay siya ring pagdating ng mga social networking sites. Ang Facebook, Twitter, Instagram at Wattpad ay ilan lamang sa social networking sites na patuloy na yumayabong ang kasikatan ngayon. 75% ng mamamayang Pilipino ang gumagamit ng multi-media. Sa patuloy na paglawak ng impluwensya nito, iilan na lang ang hindi nakakakilala at walang mga social media accounts.
Maraming pang sites sa internet ang kadalasan na naaccess ng mga kabataan. Kabilang dito ang mga laro tulad ng Dota,Clash of clans at kung ano ano pa. Sa isang klik lamang ay maaari ka nang mapabilang sa isa o sa lahat ng mga to. Maraming kabataan na ginagawa ang mga social networking sites na ito bilang libangan.
Pero ano nga ba ang epekto ng social media sa mga kabataan ngayon?
Unang bagay dito ay ang pagiging tamad ng mga kabataan sa pag aaral dahil sa mga sites na mayroon ay nahahati ang kanilang atensyon. Mas marami pa silang ginugugol na oras sa paglalaro kaysa sa pagbabasa ng libro. Mas nagiging interesado sila sa mga bagay na makikita sa sites kesa pagtiyagaan ang mga aralin sa paaralan.
Pangalawang punto, nagiging ugali nila ang makiuso sa mga sikat na nagpapabago sa kanilang mga ugali. Dahil din sa mga social networking sites marami kabataan ang nalalayo sa tamang landas.
Marami sa kanila ang nalululong sa mga larong kinasisira ng kanilang pag aaral. May pagkakataon pa na hindi sumisipot ang ibang mag-aaral makapaglaro lamang ng mga Dota o clash of clans o di kaya’y magfacebook lamang. Marami din kabataan ang naiimpluwensiyahan ng mga laro at napapanuod nila.
Pangatlong punto, nakakapatay ang mga kabataan ng kapwa nila dahil lamang sa inis o galit sa mga laro. Nagiging sanhi ito upang maging brutal sila at malulong sa madaming gawa.
Ngunit sa kabila nito ay nasa tao padin ang limitasyon ng bawat bagay. Kahit ano pa mang ibigay ng buhay na ito ay dapat marunong tayong magkontrol sa mga ito. Dahil walang ibang magiging responsibilidad sa ating sarili kundi tayo. Dapat may sapat na gabay ang mga magulang sa kanilang mga anak.
Mabuting Epekto ng social media
•Nagkakaroon ng kaalaman sa kasalukuyang pangyayari.
•Napapadali ang paraan ng pakikipagkomunikasyon.
•Nagsisilbing libangan ng karamihan.
•Nakakapag-komunikasyon kahit nasa malayong lugar.
•At ginagamit na rin ito sa ngayon, bilang marketplace.
Masamang Epekto ng Social Media
•Marami ang nabibiktima ng social bullying at cyberbullying.
•Nagbibigay depression at anxiety.
•May mga malalaswang larawan o video na nakikita sa social media.
•Nakakalimutan ng kumain o umihi dahil naaadik sa paggamit ng social media.
•Nawawala ang komunikasyon nga pamilya sa loob ng bahay dahil lahat ay tutok sa paggamit ng gadgets at social media.
Halimbawa ng mga Social Media:
Instagram mo
Tumblr
Snapchat
at marami pang iba.
Halimbawa ng mga sikat na laro na madalas laruin ng mga kabataan sa kasalukuyang panahon na sakop din social media
MOBILE LEGENDS(ML)
CallOfDuty Mobile (CODM)
ILAN LAMANG PO YAN SA MGA SOCIAL NETWORKING SITES NA GINAGAMIT NG MGA KABATAAN SA NGAYON, NA NAGSISILBING LIBANGAN. PERO DAPAT PA RIN PO MAGKAROON TAYO NG LIMITASYON SA PAGGAMIT NG MGA ITO, UPANG MAIWASAN ANG MGA MASASAMANG EPEKTO DULOT NITO.
Dito na po nagtatapos ang proyekto ko po sa Filipino, kung saan naipapakita ang sanaysay tungkol sa social media. Maraming Salamat po.


Comments
Post a Comment