Social Media
Social Media Ang Social Media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isang virtual na komunidad at mga network. Ito rin ay itinuturing na isang pangkat ng mga Internet-based na mga aplikasyon na bumubuo ng ideyolohikal at teknolohikal na pundasyon na nagbibigay-daan sa paglikha at pakikipagpalitan ng nilalaman na binuo ng gumagamit. Bukod dito, ang social media ay may interactive platform na kung saan ang isang indibidwal at mga komunidad ay maaaring magbahagi, lumikha, tumalakay at baguhin ang nilalamang binuo ng gumagamit. Kahalagahan ng Social Media Ang pangunahing benepisyo ng social media ay ang kakayahan nito na magbigay ng pagkakataon sa gumagamit na makipag-ugnayan o makipag komunikasyon s sa maraming tao malapit man o malayo sa iyo.Nangangahulugan ito na maaari kang mailantad sa isang mas malayo, mas malawak na hanay ng mga opinyon. Bilang kar...